MANILA, Philippines - Gagawin ng krimen ang matchmaking o ang pag-aalok ng kasal sa pagitan ng dayuhan at mga Pilipina sa internet websites.
Aamyendahan ng House bill 222 ang Anti-Mail Order Bride Law of 1990 o RA 6955 kung saan illegal sa Pilipinas ang mail order bride services.
Ayon kay Cibac partyÂlist Rep. Cinchona Cruz-Gonzales, lumalago o sumisikat na ang mail-order bride services sa iba’t ibang websites at niluma na nito ang tradisyunal na paper-based classifieds.
Paliwanag pa ni Gonzales na marami sa mga kababayang Pinay ang inaabuso, ibinubugaw o ibinebenta ng mga sindikato sa internet, websites o iba pang materyales.
Ang mga lalabag ay haharap sa 20 taong pagkakakulong at pagmumultahin ng P100,000 habang ang mga dayuhang nagkasala ay ipadedeport pabalik ng kanilang bansa at pagbabawalan nang makapasok muli sa Pilipinas pagkatapos mabayad ng multa at makulong.
Papatawan din ng parusa ang sinumang mag-aadvertise, magpapalabas, mag-imÂprenta o magpakalat ng brochure, flier o anumang propaganda material sa pahayagan, magazines, telebisyon at internet.
Hindi rin ligtas ang mga Pinay na boluntarÂyong sasali sa naturang matchmaking activities at mail-order bride business dahil isasama sila bilang “accessory to the offense.â€