^

Bansa

Matchmaking ng dayuhan at Pinay gagawing krimen

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gagawin ng krimen ang matchmaking o ang pag-aalok ng kasal sa pagitan ng dayuhan at mga Pilipina sa internet websites.

Aamyendahan ng House bill 222 ang Anti-Mail Order Bride Law of 1990 o RA 6955 kung saan illegal sa Pilipinas ang mail order bride services.

Ayon kay Cibac party­list Rep. Cinchona Cruz-Gonzales, lumalago o sumisikat na ang mail-order bride services sa iba’t ibang websites at niluma na nito ang tradisyunal na paper-based classifieds.

Paliwanag pa ni Gonzales na marami sa mga kababayang Pinay ang inaabuso, ibinubugaw o ibinebenta ng mga sindikato sa internet, websites o iba pang materyales.

Ang mga lalabag ay haharap sa 20 taong pagkakakulong at pagmumultahin ng P100,000 habang ang mga dayuhang nagkasala ay ipadedeport pabalik ng kanilang bansa at pagbabawalan nang makapasok muli sa Pilipinas pagkatapos mabayad ng multa at makulong.

Papatawan din ng parusa ang sinumang mag-aadvertise, magpapalabas, mag-im­prenta o magpakalat ng brochure, flier o anumang propaganda material sa pahayagan, magazines, telebisyon at internet. 

Hindi rin ligtas ang mga Pinay na boluntar­yong sasali sa naturang matchmaking activities at mail-order bride business dahil isasama sila bilang “accessory to the offense.”

AAMYENDAHAN

ANTI-MAIL ORDER BRIDE LAW

AYON

CIBAC

CINCHONA CRUZ-GONZALES

GAGAWIN

GONZALES

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with