MANILA, Philippines - Mahigit sa 80 empleyado ng Senado ang nawalan ng trabaho dahi sa ipinatupad na rationalization ng mga oversight committees epektibo kamakalawa, Agosto 15.
Ang pagsibak sa mga empleyado ay resulta ng major reforms ng bagong liderato ng Senado.
Nauna rito, binuwag ang ilang oversight committees na nilikha sa pamamagitan lamang ng resolusyon.
Sa memo ni Senate President Franklin Drilon, bagaman at sinimulan ng ipatupad ang rationalization noong unang araw ng Agosto, pinayagan pa ring makapagserbisyo hanggang kamakalawa ang mga staff ng oversight committees upang masigurado na magkakaroon ng maayos na transition.
Sa panahon ng transition period ang mga apektadong staff ay entitled sa kanilang sahod at iba pang benepisyo at makatatanggap naman ng terminal benefits ang mga staff na hindi na maaaprubahan ang pananatili nila sa serbisyo.
Agad na lumiham kay Drilon ang mga apektadong empleyado para hilingin na payagan sila na patuloy na makapagserbisyo hanggang December 31, 2013 para matapos pa nila ang mga nakabinbin nilang trabaho.
Nababahala rin sila kung paano matutugunan ang pang araw-araw na gastusin at pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ilan sa mga apektadong staff ay 15 taon ng nagseÂserbisyo sa oversight committee at meron pang halos 30 taon na sa paninilbihan sa gobyerno.