MANILA, Philippines - Binantaan ni Akbayan partylist Rep. Walden ang Department of Labor and Employment (DOLE) na patatapyasan nito ang kanilang 2014 budget kapag hindi nito naaksyunan ang kaso ng “sex for flight†ng mga OFW sa Gitnang Silangan.
Giit ni Bello na siya rin chairman ng Overseas and Workers Affairs, haharangin niya ang pag-apruba ng Kamara sa P10.5 billion na budget ng DOLE at pababawasan pa ito ng 25% kung hindi makapagbibigay ng resulta ang ahensya sa imbestigasyon sa sex for flight scheme at kung hindi matatanggal sa puwesto ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas na dawit sa kontrobersiya.
Iginiit ni Bello na “merciful†pa nga ang 25% cut sa budget ng DOLE kumpara sa suhestyon ng Senado na bigyan lamang sila ng pisong budget kung walang resulta sa imbestigasyon.
Bukod dito dapat din umanong solusyunan ng ahensya ang lumalaganap na prostitution ring sa Middle East at kung paano maiiiwas ang mga kababayan na mabiktima ng ganitong gawain.
Inaasahan naman ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na isusumite na sa kanya ngayong araw ang resulta ng imbestigasyon sa sex for flight.