^

Bansa

Phl at Taiwan envoy balik na sa puwesto

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na bumalik sa normal ang magandang relasyon ng Pilipinas at Taiwan, nag-umpisa na ring bumalik sa puwesto ang kinatawan ng Pilipinas sa Taipei.

Tumulak patungong Taiwan noong Lunes si Antonio Basilio, resident representative ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, upang ipagpatuloy ang naudlot na trabaho matapos ang tatlong buwang iringan sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dahil sa kaso ng pagkakapaslang ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard sa isang mangingisdang Taiwanese noong Mayo 9 sa Balintang Channel.

Bukod kay Basilio, bumalik na rin sa bansa ang kinatawan ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) sa Manila na si Raymond Wang.

Si Wang ay magugunitang pinauwi ng Taiwanese government sa kanilang bansa bilang protesta sa pagkasawi ng kanilang kababayan bukod pa sa 11 sanctions na ipinataw laban sa Pilipinas kung saan naapektuhan sa ngitngit ng mga Taiwanese ang may 90,000 OFWs sa nasabing bansa.

Kabilang din sa inalis ng Taiwan ang “red travel alert” para sa kanilang mamamayan at pinapayagan na silang tumungo at bumisita sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni MECO chairman Amadeo Perez Jr. na sinimulan na ang pagpoproseso ng mga visas ng TECO noong Lunes para sa mga OFWs na nagnanais na magtrabaho at bumalik sa Taiwan.

AMADEO PEREZ JR.

ANTONIO BASILIO

BALINTANG CHANNEL

BASILIO

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

RAYMOND WANG

SI WANG

TAIWAN ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with