NPA official arestado

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army  na sinasabing responsable sa bigong pananambang sa ina ni Sen. Teofisto Guingona III makaraang maaresto sa Sitio San Roque, Brgy. Aposkahoy sa bayan ng Claveria, Misamis Oriental noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Supt. Catalino Rodriguez Jr. ang suspek na si Reynaldo Agcopra, alyas Commander Tarik.

Inaresto si Tarik sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mirabeau Undulok ng Guingoog City Regional Trial Court Branch 43 kaugnay ng kasong double murder at multiple frustrated murder kung saan walang inirekomendang piyansa.

Sangkot si Tarik sa pananambang sa convoy ni ex-Gingoog City Mayor Ruthie Guingona, misis ni ex-Vice President Teofisto Guingona noong Abril 20 sa Brgy. Binakalan.

Nakaligtas sa pananambang  si Guingona at ang kaniyang escort na si PO3 Rolando Benemirito pero napaslang ang driver na si Tomas Velasco at kapatid na si Nestor Velasco.

 

Show comments