MANILA, Philippines - Pinuri ng Pangulong Benigno Aquino lll ang mga miyembro ng Team Gilas Pilipinas dahil ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya hanggang sa huling yugto ng kanilang laban kontra sa Iran.
Ayon sa Pangulo, bagamat mas matatangkad ang team ng Iran ay hindi nagpasindak ang Gilas na kahit na sila ay natalo at hindi naman nangulelat sa kalaban nilang Iran kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia arena.
Nanood si Pangulong Aquino sa laro ng Gilas gayundin si Vice-President Jejomar Binay bilang suporta sa mga Pinoy players subalit natalo ito sa Iran. MaglaÂlaro pa din ang Gilas sa FIBA sa Spain.
Samantala, isang resolusyon ang inihain kahapon ni Senator Juan Edgardo “Sonny†Angara na naglalayong kilalanin ng Senado ang kagalingang ipinakita ng Gilas Pilipinas matapos masungkit ang silver sa 27th FIBA Asia Championship na naging daan para ma-qualify sila sa 2014 FIBA World Cup.
Habang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay bibigyan naman ng parangal ang Gilas Pilipinas.
Nakasaad sa House Resolution No.184 na inihain nina Reps. Ferdinand Martin Romualdez (Leyte) Joselito Atienza (Buhay partylist), Gloria Macapagal Arroyo (Pampanga), Lani Revilla (Cavite) at Aleta Suarez (Quezon).
Nakasaad sa resolution ang pagbati at pagkilala sa kagalingan ng koponan laban sa mga bansang tinalo nito sa 27th FIBA Asia Men’s Championship kabilang na dito ang mga bansang HongKong, Kazakhstan, Jordan, Japan at South Korea.
Giit ng independent minority bloc sa Kongreso, bagamat natalo ang Gilas Pilipinas laban sa Iran sa kanilang championship match ay hindi naman matatawaran ang magaling na performance at malayong narating ng grupo.