Pinas matutulad sa Iraq, Afghanistan

MANILA, Philippines - Maaari umanong matulad sa Iraq at Afghanistan ang Pillipinas sa sanda­ling payagan ng pamahalaan na magdag­dag ng mas mala­king puwersa ng sun­dalong Amerikano sa bansa.

Bukd sa paglabag sa saligang batas, sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na maaaring magdulot din ang presensya ng tropang Kano ng tensyon sa mga rehiyon sa halip na masiguro ang kapayapaan.

Ang reaksyon ng mambabatas ay bunsod sa hakbang ng pamahalaan na dagdagan pa ang puwersa ng US military sa Pilipinas upang mahadlangan ang pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Giit ni Colmenares, bagamat dapat masiguro ng pamahalaan ang territorial integrity laban sa pangbu-bully ng China, hindi rin naman dapat hayaan na isa pang bully na tulad ng Amerika ang papalit dito.

Tiyak umano na ang mga taga Iraq at Afghanis­tan ay nagsisisi kung bakit pinayagan nilang pumasok ang puwersa ng US military sa kanilang bansa dahil sa laganap na bombahan na nagreresulta ng libo-libong pagkamatay ng mga residente doon.

Ang dapat umanong gawin ng pamahalaan ay hingin ang tulong ng international community habang isinusulong ang kaso sa multilateral bodies tulad ng UNCLOS o sa international court of justice.

Siniguro naman ng Ma­lacañang na maki­kinabang sa magiging kasunduan ng Pilipinas at Amerika ang AFP lalo sa larangan ng knowledge at information sharing.

Tiniyak din ng Palasyo na walang lalabaging batas ang nasabing kasunduan na sang-ayon din sa Visiting Forces Agreement.

 

Show comments