2 patay sa riot sa bar

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang namatay habang isa pa ang nasugatan sa naganap na pamamaril at pananaga ng grupo ng kalalakihan sa video­ke bar, Purok Orchid, Barangay San Isidro sa Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Alejano Villacencio, 50; at Alex Flores habang isinugod naman sa pagamutan ang sugatang si Jose Mario Villacencio Sr., 47, ng Brgy. San Isidro.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nag-inuman sina Alejano at ang pinsan nitong si Jose Mario nang dumating ang grupo ni Flores na agad na kinursunada ang nakababatang Villa­cencio na tinutukan ng baril.

Nagdesisyon naman ang dalawang Villa­cencio na umuwi muna at pagbalik ay may dala nang pata­lim kung saan ay sina­lubong naman ng pa­mamaril ng grupo ni Flores na sinugod at pinagtataga ng mga kamag-anak nina Villa­cencio.

Ang mga Villacencio ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan kung saan idineklarang patay si Alejano habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa.

 

Show comments