MANILA, Philippines - Magpapatupad ng ‘3 tiered defense system’ ang Philippine National Police (PNP) sa gitna na rin ng report ng US Intelligence Service hinggil sa matinÂding banta ng terror attack ng Al-Qaeda terror network sa buong mundo.
Ayon sa PNP, palalakasin pa nila ang ‘intelligence, target hardening at incident management’ upang malabanan at mapigilan ang seryosong banta ng terror attack ng Al-Qaeda at ng mga teroristang kapanalig nito.
Una nang namonitor ng PNP at AFP ang presensya ng Jemaah Islamiyah (JI), ang Southeast Asian terror network na naitatag ng founder ng Al-Qaeda na si Osama bin Laden.
Tinukoy din ng PNP sa pagkakaaresto sa ilang lokal na terorista ng mga tauhan ng Intelligence Group at Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) tulad ni Sali Basal Taib, alyas Abu Husni sa Quezon City noong Hulyo 25 ng taong ito ay patunay lamang ng aktibong operasyon ng mga awtoridad upang mapigil sa paghahasik ng terorismo ang mga teroÂristang grupo.
Samantala, bagama’t wala namang namomonitor na seryosong banta ng terorismo ang AFP sa Pilipinas, sinabi ng Spokesman nitong si Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., na nananatili silang nakaalerto upang masupil ang anumang karahasang maaring ihasik ng anumang terror group.