LPA sa Visayas binabantayan

MANILA, Philippines - Binabantayan ngayon ng weather bureau ang paglapit ng namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) na nasa bisinidad na ng Visayas, matapos mamataan sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-8 ng u­maga, namataan ang namumuong sama ng panahon sa Mactan, Cebu.

Nakapaloob pa rin ang naturang LPA sa intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin na may magkakaibang direksyon at temperatura.

Kaugnay nito, umabot na sa kabuuang 49,615 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng LPA sa 185 barangay at 20 munisipalidad sa Maguindanao.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, ang Sultan Kudarat ang nanati­ling may pinakamataas na bilang na naapektuhang pamilya na aabot sa 8,340.

Pumalo na rin sa P4,164,900 halaga ng tulong ang inilaan sa pro­binsya ng Maguindanao ng iba’t ibang ahensya at pamahalaan dito.

 

Show comments