MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang katiwalian sa gobyerno at maitaas ang produksyon ng mga Pilipino kayat muling binubuhay sa Kamara ang National Identification (ID) system sa bansa.
Sa inihaing House Bill 11 o ang Filipino Identification Card ni Albay Rep. Al Francis Bichara, sinabi nitong magsisilbi itong official identification ng mga Pilipino na naninirahan sa loob at labas ng bansa at magagamit sa public at private transactions.
Titiyakin din ng panukala na gagamitan nang tamper-proof security material ang ID upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng cardholÂders mula sa mapagsamantalang indibidwal.
Nakasaad din dito na upang mawala ang mga pangambang pang-aabuso o magagamit ang nasabing ID upang labagin ang karapatan ng bawat indibidwal ay sisiÂguruhin ng panukala na ang anuÂmang impormasyon sa ilalim ng system ay hindi makukuha ng third party o ikatlong partido.
Kinukunsidera namang pribilehiyo ang impormasyong nakalagay sa sistema at hindi maaaring gamiting ebidensiya sa anumang criminal proceedings laban sa may-ari ng ID.
Nakapaloob pa sa panukala na magkakaroon ng 10 taong validity period ang ID na maaaring i-renew pagkatapos. May kapasidad ito na mailagay ang biometric data ng individual cardholder.
Gagawin namang libÂre ang aplikasyon at pag-isyu ng Filipino ID subalit may bayad na ito sa susunod na renewal.