MANILA, Philippines - Maipapagawa na ang mga mababaho at sira-sirang mga himpilan ng pulisya sa bansa partikular ang mga bubong na tumutulo, baradong banyo, luma ang pintura, wasak ang mga upuan at iba pa.
Ito’y matapos na ianunsyo ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na naglaan ang pamahalaan ng P170 milyon para sa renovation at rehabilitation ng may 1,700 sirang mga presinto ng pulisya.
Sa ilalim ng “Oplan Hilamos/Dignidad†ay mabibigyan ng tig-P100,000 ang bawat himpilan ng pulisya para maipaayos ang kanilang mga himpilan.
Nilalayon ng programa na bigyang dignidad ang mga pulis sa bawat himpilan na pangit ang opisina na ginagalawan.
“Mahirap pag walang pahingahan, walang bentilisayon at walang bubong (ang mga PNP stations). Hilamos lang ito, hindi buong structure. Eto ay para magkaroon ng dignidad ang kanilang place of work. The minimum amount will be P100,000 depende sa laki,†giit ni Roxas.