MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwang paglalaÂyag galing Estados Unidos, pumasok na kahapon sa ‘area of responsibility’ ng Pilipinas ang BRP Ramon Alcaraz (PF-16), ang ikalawang Hamilton class cutter warship ng Philippine Navy.
Kinumpirma ni Lt. Commander Gregory Fabic, Navy spokesman, na dakong ala-1 ng madaling-araw nitong Huwebes ng pumasok sa Pilipinas ang naturang warship.
Ang nasabing Navy frigate ay umalis sa Charleston, South Carolina noong Hunyo 10 at naglayag na patungong Pilipinas.
Inaasahan naman ni Lt. Junior Grade Rommel Rodriguez, Public Information Officer ng Philippine Fleet na nasa Casiguran, Aurora sa pagitan ng alas-8-9 ng umaga ang nasabing warship at sa Sabado ng hapon ay nasa Bolinao.
Mula Bolinao ay tutungo na ito sa Subic Bay, Zambales kung saan itinakda ang welcome cereÂmony sa naturang warship sa Agosto 6 sa panguÂnguna ni Pangulong Aquino.