FOI wala pa ring komite sa House

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang linggo na pagbubukas ng16th Congress, wala pa rin napipili si House Speaker Feli­ciano Belmonte na magi­­ging pinuno ng Komite na siyang hahawak sa kontrobersyal na Freedom of Information (FOI) bill.

Sinabi ni Diwa party­list Rep. Emmeline Agli­pay, na isa sa tinutulak ng mga may akda ng FOI bill na hindi sa kanya­ iaalok ni Bel­monte ang pagiging chairman ng House Committee on Public Information dahil may ikinokonsidera itong ibang mambabatas.

Nabatid na ang nais ni Belmonte na maging chairman ng naturang komite ay si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Ba­tocabe at siya ring tatalakay sa FOI bill na naglalayong magbigay ng access sa lahat ng government records.

Subalit tinanggihan na umano ni Batocabe ang alok ni Speaker dahil sa kapag miyembro lamang siya ay mas ma­daling maisusulong ang naturang panukala bukod pa sa hindi siya bihasa dito.

Ibinunyag naman ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., na miyembro ng Liberal Party (LP) at may akda ng FOI bill, na wala mula sa kanilang partido ang nagnanais na humawak ng natu­rang komite.

Matatandaan na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang siyang pinuno ng Public Information committee noong 15th Congress.

 

Show comments