MANILA, Philippines - Ginunita ng pamilya Aquino ang ika-4 na aniÂbersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino sa kinahihimlayan nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Dakong alas-3:00 ng hapon nang sabay-sabay na dumating ang magkakapatid na sina Pangulong Aquino na nakasuot ng kulay itim na polo na may yellow ribbon, Balsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Aquino Dee sa puntod ng kanilang mga magulang. Hindi naman namataan ang bunsong kapatid nila na si Kris na sinasabing nasa ibang bansa.
Tulad ng nakagawianÂ, nag-alay ng misa ang magkakapatid sa puntod ng kanilang mga maÂgulang na sina dating Pangulong Cory at daÂting Senador Benigno AquinoÂ. Pinangunahan ni Father Catalino Arevalo at Father Manoling Francisco ang misa na kung saan namayani ang mga mensahe ng paghanga sa dating pangulo, paggunita sa kanyang naging buhay at sa huli’y panaÂwagan na tularan ang kanyang mga nagawa.
Hindi man lang umupo ang Pangulo, bagkus sumandal lamang ito sa isang malaking puno na malapit sa puntod ng kanyang mga magulang at tinapos ang isang oras na misa na nakatayo.