MANILA, Philippines - Walang makakapigil sa pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa Maguindanao Massacre na si Datu Akmad “Tato†Ampatuan Sr., pamangÂkin ni Dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.
Ito’y makaraang ibasura ng Supreme Court Third Division ang hiling na status quo ante order ni Akmad na nakapaloob sa inihain niyang petition for review on certiorari.
Sa nasabing petisyon, hiÂniling ni Akmad na masuspindi ang proceedings sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 kasama na ang nakatakda niyang arraignment sa August 7, 2013.
Ang petisyon ay inihain ni Akmad noong Disyembre 22, 2012 para kwestiyunin ang desisyon ng Court of Appeals na pumabor sa naunang resolusyon ng kalihim ng Department of Justice na nagsasaÂbing may probable cause para kasuhan ang petitioner ng multiple murder.
Ang hiling na status quo ante order ay inihirit naman ni Akmad noong Hulyo 3, 2013 sa inihain niyang urgent manifestation.
Ayon sa lupon ng mga investigating prosecutor, kabilang si Akmad sa mga nakipagsabwatan sa mga aktwal na may kinalaman sa pagpatay sa 58 biktima ng Maguindanao Massacre kabilang na ang 30 mamamahayag nuong November 23, 2009.