MANILA, Philippines - Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya sa Pilipinas (Pamalakaya) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na isailalim sa imbestigasyon si Agriculture Secretary Proceso Alcala matapos masangkot din ang pangalan sa kontrobersyal na pork barrel scam.
Ayon kina Gerry Corpuz, tagapagsalita ng Pamalakaya at KMP Chairman Will Marbella, hindi na sila nagulat na nasangkot ang pangalan ni Alcala at kanyang departamento dahil noon pa umanong panahon ni dating Pangulong Arroyo ay naging “pugad†ng corruption ang DA.
Hiling nina Corpus at Marbella ang agarang imbestigasyon sa kalihim at agad na papanagutin kung mapapatunayang sangkot nga sa pork barrel scam.
Hindi pabor ang PamaÂlakaya at KMP na mag-resign sa puwesto si Sec. Alcala sa halip ay dapat nitong harapin ang ano mang imbestigasyon.
“Ginagamit kasi nilang escape goat yang pag-reresign para makatakas sila sa pananagutan kaya dapat andyan siya para masiguro sa bayan na haharapin niya ang parusa sa kung may pagkakasala,†pahayag ng dalawa.
Noong nakaraang taon pa ay hinihiling na ni Marbella na siyasatin ang DA dahil umano sa mga kwestiyunableng NGOs na binibigyan ng pondo.
Ilan sa sinasabing nabigyan umano ng grant ng DA ay ang La Liga Policy Institute at Education for Life Foundation Institute na umabot daw sa P20 million.
Samantala, pinabulaanan naman ni Alcala ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa ‘pork barrel scam’ na kinasasangkutan ng negosÂyanteng si Janet Lim-Napoles.
Unfair at foul umano ang ginawang pagsasangkot sa kanya ng whistleblower na si Merlina Suñas na nagsabing nagsilbi siyang key facilitator umano sa tanggapan ni Alcala para mailagay ang milyong pera ng bayan sa dalawang bogus na NGOs ni Napoles.