Mga mambabatas na sangkot sa PDAF controversy: ‘Sinungaling ay kapatid ng magnanakaw’ – CBCP prexy
MANILA, Philippines - Ito ang mensahe na mistulang pasaring na rin ni incoming Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang pastoral statement kaugnay ng kontrobersiya sa paggamit ng Priority Development Allotment Fund (PDAF) o pork barrel fund.
Ayon kay Villegas, bago pa man malantad nang husto ang pork barrel scam, ang paggamit ng nasabing pondo ay matagal nang may masamang reputasyon.
Tanong pa ng Arsobispo, ilang mga tradisÂyunal na pulitiko ang umano’y gumastos nang husto at pumatay pa para lamang sa milyun-milyong pisong halaga ng pork barrel na kanilang makukuha sa oras na sila ay mahalal sa pwesto.
Kung pagbabataÂyan umano ang teorya, maganda ang hangarin ng PDAF dahil layon nitong matulungan ang mga mahihirap nating kababayan, pero ang katotohanan aniya, ginagamit lamang ito ng mga pulitiko para maging “epal†at palabasin na sila ay may ginagawa.
Inilahad pa ni Villegas na sila, bilang mga alagad ng simbahan ay kinakailangang maging transparent sa kanilang mga fund raising project at mahalaga na nasusunod ang prinsipyo ng accountability.
Pero kapag nawala umano ang transparency sa accounting, nasasaktan ang katotohanan. Kaugnay nito, nanawagan din si Villegas sa mga grupo at institusyon na konektado sa Simbahan na pagdating sa pakikipag-ugnayan sa mga pulitiko, mainam na panindigan ang mga katagang “Walang Hihingi!
- Latest