^

Bansa

5 helicopters, warships idedeploy ng Navy sa WPS

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang kapabilidad sa ‘territorial defense’ idedeploy ng Philippine Navy ang tatlong paparating na bagong biling helicopter na galing Italya lulan ng dalawang warship na BRP Gregorio del Pilar at BRP Ramon Alcaraz sa West Philippine Sea.

Ang hakbang ay sa gitna na rin ng pagiging agresibo ng China na patuloy na nagsasagawa ng intrusyon sa Spratly Islands sa Palawan at  Scarborough Shoal sa Zambales.

Nabatid na ang tatlong Agusta Westland AW-109 power naval helicopters na galing Italya ay inaasahang ide-deliver na sa Disyembre.

Samantala ang BRP Ramon Alcaraz na naglayag sa loob ng dalawang buwan mula Estados Unidos ay darating na sa bansa sa Agosto 3 kung saan ay magkakaroon ng commissioning sa Subic Bay, Zambales sa Agosto 6 na inaasahan ring dadaluhan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Navy Chief Rear Admiral Jose Luis Alano, ang dalawang warship at naval helicopters ay may kapabilidad na makaalam, magmonitor at sumabak sa mga banta sa karagatan. May landing pad at telescoping hangar din ang dalawang barko.

Ang mga maintenance at flight crews ng tatlong AW 109 power Agusta helicopter ay kasalukuyan ng sumasailalim sa pagsasanay sa Italya.

Sa Pilipinas na ia-assemble ang mga bibilhing helicopter pagdating nito sa bansa.

AGOSTO

AGUSTA WESTLAND

ESTADOS UNIDOS

ITALYA

NAVY CHIEF REAR ADMIRAL JOSE LUIS ALANO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NAVY

RAMON ALCARAZ

SA PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with