MANILA, Philippines - Bibigyan ng prayoridad, hindi lamang ang senior citizens, buntis at persons with disabilities (PWDs) dahil maging ang mga baguhan o first-time voters ay kabilang dito.
Sa inilabas na Commission on Elections ReÂsoÂlution no. 9750, maaÂring gumamit ng priority lanes o express lanes ang mga first-time voters na makapagparehistro para sa darating na Sangguniang kabataan at Barangay elections.
Gayunman, nilinaw rin ng poll body sa resolusyon na hindi na tatanggaping balidong dokumento bilang proof of identity ang mga PNP clearance.
Muling hinimok ng poll body ang mga botante na samantalahin ang pagkakataon at magparehistro na upang makaboto sa Barangay at SK polls.
Ang registration of voÂters ay sinimulan noong Hulyo 22 hanggang Hulyo 31.