MANILA, Philippines - Mariing kinastigo ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide ang pamahalaan bunga ng pagpapahintulot nitong maitaas ang pasahe sa MRT at LRT at pagtataas ng SSS premiums ng mga miyembro nito nationwide para lamang makabangon sa naghihingaÂlong kakapusan sa budget.
Ayon kay Goerge San Mateo, national president ng Piston, ang naturang mga hakbang ay nagpapakita lamang ng dagdag na pahirap ng mga driver at maliliit na mamamayan ng bansa na una nang pinahihirapan ng serye ng pagtataas ng halaga ng gasolina at diesel.
Nagbanta si San Mateo ng isang malakihan at malawakang pagbuhos ng protesta sa mga lansangan upang maiparating sa pamahalaan ang pagkondena sa naturang mga anila’y pahirap na naman sa taumbayan.