^

Bansa

Reporma sa Customs walang sasantuhin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang sasantuhing opisyal ang Malacañang sa sandaling ipatupad ang paglilinis at reporma sa Bureau of Customs na sinasabing talamak ang anomalya at korapsiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, malinaw ang naging utos ni Pangulong Aquino na ebidensiya ang magtuturo ng mga dapat managot.

Matatandaan na inamin mismo ni Customs Deputy Commissioner Danilo Lim na may mga puwersang nasa labas ng BOC na hindi nila kayang kontrolin.

Samantala, ipinagtanggol ng Palasyo si Executive Secretary Paquito Ochoa mula sa mga akusasyon na padrino ito ng ilang empleyado ng Customs.

Bagaman at inamin ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na inirekomenda ni Ochoa ang appointment ng isang opisyal ng Customs, hindi aniya nangangahulugan na protector o isa na itong padrino.

Kinumpirma ni Valte na si Ochoa ang nagrekomenda sa appointment ni Peter Manzano bilang Customs deputy commissioner pero wala umanong kinalaman ang executive secretary sa mga transaksiyon na pinasok ni Manzano ilegal man o hindi.

Mismong si Ochoa umano ang nagkumpirma kay Valte na siya ang nagrekomenda kay Manzano sa posisyon.

Napaulat sa isang pahayagan na kabilang si Ochoa sa sinasabing protector ng ilang opisyal ng Customs.

Matatandaan na isa ang BOC sa mga ahensiya ng gobyerno na binanatan ni Pangulong Aquino sa kanyang nakaraang State of the Nation Address.

ABIGAIL VALTE

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER DANILO LIM

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

MANZANO

MATATANDAAN

NATION ADDRESS

OCHOA

PANGULONG AQUINO

PETER MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with