MANILA, Philippines - Umaasa ang ilang kongresista mula sa Mindanao na hindi matutulad sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) ang kahihinatnan ng pagÂlikha ng Bangsamoro Region ngayong 16th Congress.
Ayon kay Anak Mindanao Partylist Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman malaki ang kanilang pag-asa sa AdmiÂnistrasyong Aquino na maaaprubahan ang BangÂsamoro.
Matatandaan na noong panahon ni dating Pa ngulong Gloria Arroyo ay umani ng batikos mula sa publiko at sa ibang grupo ang MOA-AD kung saan sinasabing magkakaroon ng hiwalay na estado at kapangyarihan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at inilaban pa ito ng ilang mamÂbabatas at pulitiko sa Korte Suprema.
Sinabi ni Hataman na malaki naman ang kaibahan ng MOA-AD dahil ito ay nakasentro lamang sa ancestral domain habang ang Bangsamoro ay isang kasunduan kung saan titimbangin ang paghahati sa kapangyarihan, yaman at sakop na hindi mahihirapan ang Kongreso na ipasa dahil masinsinan ang pagsasapinal para sa ganap na kapayapaan.
Giit pa ng mambabatas na hindi naman na kaÂilangan ng Charter Change para maisakatuparan ang Bangsamoro Region dahil ang nais ng Pangulo ay isang kasunduan na alam nitong maipapasa ng Kongreso at kayang ibigay ng pamahalaan sa paraan na aayon din sa mga taga Mindanao.