Ozamis rubout: Murder vs 2 pulis
MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng murÂder ang dalawang opisyal ng pulisya na natukoy na responsable sa pagbaril at pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis robbery gang na sadya umanong ni-rubout sa San Pedro, Laguna noong Hulyo 15 ng gabi.
Sa press briefing sa Camp Crame, inianunsyo ni Interior and Local GoÂvernment Secretary Mar Roxas ang pagsasampa ng kasong murder sa San Pedro Prosecutors Office sa Laguna laban kina Sr. Inspector Manuel Magat at Inspector Efren Oco.
Ayon kay Roxas, lumitaw sa imbestigasyon na sina Magat at Oco ang bumaril sa planadong pagpatay sa dalawang lider ng Ozamis robbery gang na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot habang ineeskortan.
“Planado ang pagpatay dahil may naka-ready na silang kuwento, eh binaril na muna pala sa loob pa lang ng behikulo bago yung putok sa labas ng sasakyan, nagpalit pa ng barrel dun sa firearmâ€, anang Kalihim.
Samantalang kinasuhan naman ng paglabag sa Article 183 ng SaliÂgang Batas o perjury sina Sr. Inspector Joseph Ortega, SPO1 Jayson Semacas, SPO1 GeÂnaro de Gala, PO3’s Marvin Mejia, Ramil Gonzales, Sherwin Bulan, PO2’s Eduardo Cruz, Kristofferson Reyes, Exiel Reyes, Conrado Bautista Jr at PO1 Ryan Rey Gado.
Naharap naman sa kasong obstruction in the prosecution of a criminal offender (PD1829) sina Supt Danilo Mendoza, Sr. Inspectors Manuel Magat, Fernando Cardonia, Inspector Efren Oco, SPO1’s Joseph Ortega, Jayson Semacas, Genardo de Gala; PO3’s Marvin Mejia, Ramil Gonzales, Sherwin Bulan, Gerardo Tugot; PO2’s Eduardo Cruz, Kristofferson Reyes, Exiel Reyes, Conrado Bautista Jr. at PO1 Ryan Ray Gado.
Si Mendoza ang team leader ng CALABARZON Regional Special Operations Group (RSOG) na nag-escort kina Cadavero at Panogalinga.
Ayon kay Roxas, base sa imbestigasyon ng Task Force ay nagkaroon ng cover-up sa pagkamatay nina Cadavero at Panogalinga matapos na palitawin na tinangka ng mga itong mang-agaw ng armas nang ambushin upang itakas umano ng mga miyembro ng Ozamis robbery gang.
Inihayag ni Roxas na batay sa extra judicial confession ng pulis na testigo, inamin nito na siya ang bumaril sa kanang bahagi ng windshield at kanang unaÂhang gulong ng sasakyan na kinalululanan nina Cadavero at Panogalinga.
Patuloy naman ang imbestigasyon upang maÂtukoy kung sino ang nag-utos upang patahimikin sina Cadavero at PanogaÂlinga gayundin kung sinu-sinong pulis ang protektor ng sindikato. (May dagdag na ulat ni Ricky Tulipat)
- Latest