Pag-alis ni Lebron naantala
MANILA, Philippines - Nabalam ng halos isang oras at kalahati ang pag-alis ng grupo ni Miami Heat superstar Lebron James sa Ages Aviation hangar sa loob ng rampa ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nakaparada ang kanyang private Gulf Stream executive jet matapos itong dumating noon Lunes.
Napag-alaman na paalis si Lebron at grupo nito patungong Guangzhou, China ng mapansin diumano na bumubukas ang emregency lights ng jet ni Lebron habang dahan-dahang umaandar sa runway 06 dahil ang nasabing eroplano ay naka-schedule lumipad ng alas - 8:45 ng umaga papuntang China.
Dahil asiwa ang piloto sa nangyayari sa eroplano ni Lebron ay nag-desisyon itong bumalik sa hangar para ma-double check ang jet plane.
Ayon sa ulat, mas mabuting matignan o ma-double check ang jet habang nakalapag pa ito sa runway.
Gayunman, umalis din ang grupo ni Lebron ng makitang hindi na bumubukas ang ilaw ng emergency light ng jet kaya naman lumipad ito ng dakong 10-15 ng umaga.
- Latest