MANILA, Philippines - Wala ng makakapigil sa nakaambang pagtaas ng paÂmaÂsahe sa LRT at MRT dahil ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda pinag-aaralan na ito ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Ayon kay Lacierda, naipaliwanag na ni Pangulong Aquino sa kanyang nakaraang State of the Nation Address kung bakit kailangang itaas ang pasahe sa MRT at LRT. Tiniyak din na hindi ipatutupad ang increase hangga’t walang nangyayaring konsultasyon at magiÂging transparent ito publiko.
Matatandaan na sa SONA ng Pangulo ipinahiwatig nito na tataas ang pamasahe sa MRT at LRT dahil sa kabuuang P40 na pamasahe, P25 dito ang pinapasan ng gobyerno.
Sabi pa ng Pangulo, makatuwiran lamang na ilapit ang pamasahe sa LRT at MRT sa ibinabayad sa mga aircon bus upang iba namang serbisyo ang mabigyan ng subsidiya ng gobyerno.
“Ang tinatayang gastos sa bawat biyahe ng pasahero ng LRT, 40 piso. Ang bayad ng pasahero, 15 piso. Ibig sabihin, sagot ng pamahalaan ang natitirang 25 piso. Sa MRT po, 60 piso ang totoong gastos: 15 piso sa pasahero, 45 piso sa gobyerno-- sa huli, bawat Pilipino, abunado. Nasa Mindanao o Visayas ka man, na ni minsan ay hindi nakatuntong sa LRT o MRT, kasama ka sa pumapasan nito,†matatandaang sinabi ng Pangulo.