MANILA, Philippines - Pinawalang-bisa ng National Police Commission (Napolcom) ang resulta ng eksaminasyon na kinuha ng 225 examinees sa Mindanao makaraang madiskubre ang malawaÂkang dayaan noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag ni Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta, sa isinagawa nilang regular na “pattern analysis†nadiskubre ang pandaraya sa PNP Entrance at Promotional Examinations noong Abril 29 at Oktubre 14, 2012.
Sa examination sheets sa 205 examinees, nakita na may mataas na bahagdan ng magkakatulad na pattern ng maling sagot na nasa pagitan ng 50%-100%. Ang 20 namang Police Officer 1 na kumuha ng Promotion Exam ay may mataas ring bahagdan ng pattern ng maling sagot.
Sinabi ni Escueta na ang mataas na antas ng maling sagot ay malinaw na ebidensya na nagkaroon ng iregularidad o pandaraya na labag sa RA 9416 o ang “Anti-Cheating Law of 2007â€.
Dahil dito, nagbaba ng direktiba si Escueta sa 205 civilian examinees na hindi makakakuha ng PNP Entrance Examination sa loob ng tatlong taon.
Gayundin ang 20 pulis na PO1 na hindi makakakuha ng Promotion Exam sa loob ng tatlong taon.