MANILA, Philippines - Matapos ang oral argument maaari na ring makaupo at magkaroon ng representasyon sa Kongreso ang Senior Citizens partylist.
Ito’y matapos na ilabas ng mga mahistrado ang desisyon ng Korte Suprema sa isinagawang en banc session para baliktarin ang ipinatupad na disqualification ng Commission on Elections (CoÂmelec) kontra sa nabanggit na grupo.
Sa botong 13-2, idineklara ng SC na ilegal ang ginawang pag-disqualify ng Comelec sa nasabing partylist group dahil hindi naman naipatupad ang kasunduan o walang nangyaring term sharing sa pagitan ng mga nominado ng nasabing grupo.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng Korte Suprema ang paglaan ng dalawang pwesto para sa nasabing partylist group na pasok sa 10 nangungunang grupo na nakakuha ng pinakamataas na boto sa nakaraang halalan.
Nagpalabas kamaÂkailan si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng TRO kontra sa disqualification ng Senior Citizens partylist, subalit binawi ito ng Supreme Court En Banc na ginawang status quo ante order (SQAO) batay na rin sa rekomendasyon ng nagsulat sa kaso na si Associate Justice Teresita De Castro.
Diniskwalipika ng CoÂmelec ang pagtakbo sa partylist elections ng Senior Citizens dahil sa isyu ng term-sharing agreement sa mga nominado nito.