^

Bansa

Huwag magpaloko sa food supplements -FDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na huwag paloloko sa mga misleading advertisements at promotions dahil hindi maaring pamalit sa gamot ang  iba’t ibang Food and Dietary Supplements (FDS) na namamayagpag sa merkado.

Batay ito sa paglilinaw sa  FDA Advisory No. 2013-020 na nilagdaan ni Acting Director General Kenneth Hartigan-Go.

Sa nasabing advisory, nagpahayag rin nang pag­kabahala ang FDA hinggil sa mga misleading advertisement, promotion at marketing ng mga FDS na kalimitang nagiging dahilan upang maraming consumers ang bumili ng mga ito bilang gamot o medisina sa kanilang mga karamdaman.

Nilinaw ng FDA na ang FDS ay mga processed food sa porma ng kapsula, tablet, likido, gels, pulbos o pills na ang intensiyon lamang ay hindi ang makagamot kundi dagdagan ang total daily food energy o nutrient intake ng isang tao.

Gayunman, kapansin-pansin umano na sa mga patalastas ay madalas itong ina-advertise at pinu-promote bilang agents na nakagagamot sa mga taong may sakit na cancer, meningitis, diabetes, hypertension, asthma, hypercholesterolemia at iba pang karamdaman.

Iginiit naman ng FDA na wala itong katotohanan dahil ang FDS ay suporta lamang sa food intake at hindi para pamalit sa mga iniresetang gamot at medisina ng mga doktor, partikular na ng mga maintenance na medisina para sa hypertension, dyslipidemia, diabetes, cancer at iba pa.

ACTING DIRECTOR GENERAL KENNETH HARTIGAN-GO

ADVISORY NO

BATAY

DRUGS ADMINISTRATION

FOOD AND DIETARY SUPPLEMENTS

GAYUNMAN

IGINIIT

NILINAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with