MANILA, Philippines - Matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino kahapon, agad naman bubusisiin ng Kamara ang 2014 National Budget.
Ngayon araw ay isusumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa liderato ng Kamara ang budget ng gobyerno sa susunod na taon, base sa naunang ulat ay papalo ng P2.268 trilyon.
Mas malaki ito ng mahigit sa P262 bilyon kumpara sa budget ngayon 2013 na 2.006 trilyon piso.
Bukod sa mga tatayong lider ng Kamara tulad ng Speaker, Deputy Speakers, Majority at Minority leader ay kaagad din ihahalal ng liderato ang tatayong chairman ng House Appropriations Committee.
Isa ito sa pinakamakapangyarihang komite sa Kamara kayat tiyak na mapupunta ito sa miyembro ng Liberal Party (LP).