MANILA, Philippines - Kalalaya pa lamang umano mula sa Manila City Jail (MCJ) ng 35-anyos na binata nang paslangin ng hindi pa kilalang mga suspect sa Tondo, maynila, kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginaÂgamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Alex Torres, ng DaÂnganan St., Gagalangin, Tondo sanhi ng maÂtinding pukpok ng bato sa ulo.
Sa ulat ni SPO3 RoÂdelio Lingcong ng MPD-Homicide Section dakong alas-10:00 ng gabi nang madiskubreng duguang nakahandusay ang biktima sa kanto ng Pag-asa at Cunanan Sts., Gagalangin, Tondo.
Mabilis na dinala ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.
May teorya naman ang tiyahin ng biktima na si Carolina Capiral na posibleng niresbakan ang kaniyang pamangkin ng mismong nagpakulong sa kaniya nang makitang nakalaya na ito. May 3 araw pa lamang umanong lumaya ang biktima.