MANILA, Philippines - Panahon na upang alisin ang ‘age limit’ sa mga nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ito ang binigyan-diin ni Susan “Toots†Ople, director ng Blas Ople Policy Center (BOPC) upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang isang Filipino.
Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Ople na balakid ang ipinapatupad na age limit para sa mga Filipino na gustong makapagtrabaho sa abroad.
Bagama’t magaling at sanay, nagiging sagabal sa isang Filipino ang kanyang edad upang mas makapagtrabaho pa sa ibang bansa.
“Sa ibang bansa hindi naman inilalagay ang age requirement tulad sa Australia dito lang sa Pilipinas. Dapat tingnan muna nila kung kuwalipikado para maging productive pa ang isang tao,â€ayon kay Ople.