Concrete barrier, container vans ihaharang vs ralista
MANILA, Philippines - Haharangan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga concrete barrier at container vans ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue ngaÂyong araw upang hadlangan ang mga militanteng grupo sa pagsasagawa ng demonstrasyon at pagsugod sa Batasan Pambansa.
Sa traffic advisory na inilabas kahapon ng MMDA para sa SONA ni Pangulo Aquino, isasara ang northbound at southbound lane ng Commonwealth Avenue mula Quezon Memorial Circle/Philcoa hanggang Fairview Center Mall, bukod sa dalawang leftmost lanes sa northbound. Maglalagay sila ng container vans at concrete barriers sa harap ng St. Peter Parish at Convergy’s Bldg. laban sa mga demonstrador.
Alas-5:00 ng madaling araw, magsisimula ang rerouting mula sa UTS sa harap ng JocFer Bldg. at OMNI Tire Supply sa southbound lane hanggang San Simon UTS (counter flow). Maaaring gamitin ng mga motorista ang apat na linya sa southbound patungo sa northbound o Fairview via reverse flow o pasalubong.
Magiging normal ang takbo ng trapiko sa siyam na linya ng Commonwealth paglampas ng San Simon UTS para sa mga motoristang pa-northbound o Fairview.
Alas-12:00 ng tanghali, magiging one-way traffic ang IBP Road patungo sa House of Representatives. Bubuksan ito para sa mga sasakyang manggagaling sa Commonwealth, Filinvest 1, Sinagtala, San Mateo Road, Filinvest 2 patungo sa HOR, Fairview at Commonwealth Ave. (pa-kanan). Ang kabilang direksyon naman patungo sa Sandiganbayan underpass at Commonwealth Ave. ay bubuksan lamang para sa mga sasakyang magmumula sa Kongreso hanggang matapos ang SONA.
Magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. at IBP/Batasan Road pagsapit ng alas-6:00 Lunes ng gabi.
- Latest