7 Anti-corruption bills isusulong ni Guingona
MANILA, Philippines - Pitong panukalang batas ang opening salvo ni Sen. Teofisto TG Guingona sa pagbubukas ng 16th Congress of the Philippines. Sama-sama, pakay ng kaniyang mga bills ang pagbaklas sa “lumang sistema†at bigyan ng lakas ang taumbayan para lunasan ang sariling hinaing.
Sinabi ni Guingona na target niyang baguhin ang sistemang nagkukubli ng corruption at katotohanan habang pinagkakaitan ang taumbayan ng pagkakataon na bigyang lunas ang sariling hinaing.
“Nabigyan na natin ng pagkakataon ang mga pulitiko para baguhin ang masamang sistema,†sabi ni Guingona. “Oras na para masa naman ang gumuhit ng sarili nilang kinabukasan.â€
Una sa mga panukala ni Guingona ang Freedom of Information (FOI) bill. Tatapusin aniya nito ang pagkukubli ng mga dapat malaman ng bayan. Kapag naisabatas, parurusahan ang sinumang magtatago ng katotohanan sa bayan.
Pangalawa ang panukalang Crowdsourcing Act na magbibigay ng karapatan sa lahat ng netizens na lumahok sa paggawa ng batas sa kongreso.
“Tama na yung puro pulitiko lang ang gumagawa ng batas habang nagra-rally sa labas ng batasan ang mamamayan,†ani Guingona. “Mistulang saling-pusa na tagasunod lang ang masa sa mga batas na aapekto sa kanilang buhay.â€
Pangatlong bill ni Guingona ang People’s Participation in the National Budget Process Act. Matagal na aniyang binubulag ang bayan sa paggawa ng government budget. Dahil bulag ang bayan, pugad diumano ng corruption ang mga government projects.
Sa anti-corruption naman nakatuon ang pang-apat at panlimang bill ni Guingona. Nais niyang amyendahan ang Anti-Money Laundering Act para masakop ang mga casino sa pagsilip ng mga authoÂrity sa nakaw na yaman.
Babarahan naman ng pang-anim na panukala ni Guingona ang sapakatan ng hukuman at akusado sa plea bargaining, gaya nang nangyari sa Office of the Ombudsman at Maj. Gen. Carlos Garcia, dating comptroller ng AFP.
Kapag naging batas, gobyerno ang malinaw ng makikinabang sa mga plea bargain hindi ang akusado.
Bilang panghuli, ipinapanukala ni Guingona ang pagpapalaki ng bilang ng mga hukom at hukuman sa Sandiganbayan para pabilisin ang disposisyon ng mga pending cases.
Kung maisasabatas, sinabi ni Guingona na ang kumbinasyon ng kaniyang bills ay palakol na gigiba sa sistema ng kurapsyon sa Pilipinas at magpapalakas sa loob ng mamamayan para bigyan ng solusyon ang kanilang mga suliranin.
- Latest