^

Bansa

PNoy sa mga Atenista: Makipag-kapwa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong si Pangulong Aquino ang humikayat kahapon sa kanyang mga kapwa Atenista na lumabas sa kanilang ‘espasyo’ at tumulong sa ibang na­ngangailangan.

Dumalo si Aquino sa Ignatian Festival 2013 sa Ateneo de Manila University sa Quezon City  kung saan ginawa nitong halimbawa sa kanyang talumpati si St. Ignatius de Loyola na hindi naging maramot na ibahagi ang sarili sa kapwa.

“Bilang mga Atenista, ito nga po ang isa sa mga pinakamahalagang aral sa atin ni San Ignacio: Lumabas ka sa nakasanayan mong espasyo; piliin mong maki­pagkapwa-tao. Kailanman, huwag kang matakot na bagtasin ang masalimuot na daan ng katuwiran, at umiwas sa madaling landas ng kamalian,” sabi ni Aquino.

Sinabi pa ni Aquino na ang pagtugon sa problema ay hindi madadaan sa marketing study o sa reflection paper, sa pag-status sa Facebook, o sa basta-bastang pag-retweet lang.

“Obligasyon mong makiambag sa solusyon; tungkulin mong itama ang mali. At di po ba, kung di ka kumilos, magiging bahagi ka na rin ng problema?,” anang Pa­ngulo.

Hinikayat din ni PNoy ang mga Atenista na isa­buhay ang mga aral na natutunan nila sa kanilang paaralan.

“Huwag ninyo sanang ikukulong sa mga gusali’t pasilyo ng paaralang ito ang diwa ng inyong pagka-Atenista. Saanmang silid kayo nag-aaral o nagtuturo, saanmang opisina kayo nagtatrabaho, saanmang ahensiya kayo nagseserbisyo—isabuhay ninyo ang diwa ng inyong pagka-Atenista; ma­ging man-for-others kayo, na hindi lamang nabubuhay para sa sarili, kundi lalo’t para sa kapwa,” ani PNoy.

Kasabay nito nagpa­salamat din ang Pangulo sa kanyang naging guro sa dating paaralan.

 

AQUINO

ATENEO

ATENISTA

IGNATIAN FESTIVAL

MANILA UNIVERSITY

PANGULONG AQUINO

QUEZON CITY

SAN IGNACIO

ST. IGNATIUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with