PNP naalarma sa pagbaba ng disiplina ng mga pulis

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philippine National Police (PNP) sa pagbaba ng estado ng disiplina sa mga pasa­way na pulis partikular sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Ito ang inamin kahapon ni PNP Chief Director Gene­ral Alan Purisima kaugnay ng mga high profile crimes na nangyari sa Calabarzon kung saan nadawit ang ilang mga pulis at nalagyan ng batik ang imahe ng PNP.

Sa kabila nito, kumambyo naman si Purisima na tila nababaliktad na ang pangyayari dahil kung sino pa ang mga kriminal na namamatay ay siya pang itinutu­ring na bayani na aniya’y siya namang sentimyento ng mabubu­ting pulis.

“Sentiment nila, yung mga criminal na hinaha­nap ng pulis nung napatay parang naging hero. Actually the action of kung ano ang sentiment ng pulis ngayon kung mapapatunayan na ito ay hindi naging tama yung aksyon na mga pulis the PNP do not condone these,” ani Purisima.

Ginawa ni Purisima ang pahayag sa gitna na rin ng kaliwa’t kanang batikos laban sa PNP matapos mapatay ang dalawang li­der ng Ozamis robbery gang na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot sa San Pedro, Laguna noong Lunes ng gabi matapos na umano’y tangkaing itakas ng mga kasamahan sa sindikato.

Sinabi ni Purisima na tinatapos pa ang imbestigasyon bago ito isapubliko at aniya’y walang itatago ang PNP sa kaso.

Idinagdag pa ni Purisima na sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensya at testigo ay matutukoy ang tunay na pangyayari at mapaparusahan kung mayroon mang mga pulis na lilitaw na guilty o nakagawa ng kapalpakan at paglabag sa disiplina sa PNP.

Dinala na sa holding area sa Camp Crame ang sinibak na 15 pulis na kinabibilangan ng isang heneral at 14 pa kaugnay ng isinasagawang im­bestigasyon sa kaso. Ang 14 pulis ay dinisarmahan na.

 

Show comments