IRA scam sa N. Ecija ibinisto
MANILA, Philippines - Ibinulgar ni outgoing Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino at anak nitong si incoming Nueva Ecija Rep. Magnolia Antonino-Nadres ang umano’y Internal ReÂvenue Allotment (IRA) scam kung saan sangkot ang dalawang dating alkalde.
Ayon sa mag-amang Antonio, natuklasan nila sa pamamagitan ng Commission on Audit (COA) annual audit report na may IRA scam partikular sa San LeoÂnardoÂ, Nueva Ecija na umabot sa humigit kumulang P50 milÂyon at munisipalidad ng San Antonio na na P90 milÂyon. Hindi umano malinaw kung saan napunta ang pondo at walang mga dokumento na susuporta kung nagamit nga ba sa mga proyekto ang nasabing pondo. Inilaan umano ang nasabing mga halaga sa mga proyekyo ng mga bogus NGOs na Countrywide Agri and Rural Development na P70 milyon, Ginintuan Alay Magsasaka Foundation P70 milyon at Kaupdanan MaÂngunguma Foundation Inc. (KPMFI) na may 20M.
Ang nasabing NGOs umano ay walang mga resibo mula sa BIR vouchers at iba pang kaukulang dokumento upang ma-reimburse ito sa LGUs. Ang nasabing mga transaksyon umano ay nangyari sa pagitan ng Mayo at Disyembre 2012.
- Latest