MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sampahan ng kasong graft si daÂting Agriculture Secretary Luis Ramon Lorenzo, Jr., mga opisyal ng Quedan and Rural Credit Guarantee Corporation (Quedancor) at Metro Livestock Incorporated dahilan sa umano’y pagsasabwatan ng mga ito hinggil sa implementasyon ng Quedancor Swine Program (QSP) ng ahensiya.
Ayon kay Morales, may probable cause para kasuhan sina Lorenzo, Quedancor President and CEO Nelson Buenaflor, Quedancor Governing Board members/representatives Wilfredo Domo-ong, Romeo Lanciola, Nellie Ilas, at Jesus Simon dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Sa ilalim umano ng programa, ang QSP na isang credit program ay susuporta sa mga swine raisers para sa pagpapadami at pag-aalaga ng baboy.
Ang isang farmer-borrower ay maaaring mangutang sa Quedancor pero ang utang ay hindi cash kundi input supplies tulad ng baboy, biik, pakain, mga gamit at technical assistance.
“[I]nput supplies amounting to P47,465,614 were not delivered to the borrowers as of year-end 2005 despite the advance payment therefor by the Quedancor to the I[nput] S[uppliers],†nakasaad sa resolusyon.
Kinasuhan din sina Rhomady Bernabe, Quedancor Regional Assistant Vice President for Regional Office No. 4, Metro Livestock General Manager Joel Salazar, Metro Livestock incorporators/directors Excel Salazar, Francis Edison Peña, Teresa Adille at Santiago Baldado.
Sinasabing ang Metro Livestock ay pinayagan na makiisa sa QSP kahit na ito ay bumagsak sa accreÂditation at eligibility requirements at kawalan ng kaukulang lisensiya mula sa Livestock Development Division ng Bureau of Animal Industry.
Sinasabing nag-award ang Quedancor ng purchase contracts sa Metro Livestock na may halaÂgang P48,606,750 sa Mindoro province lamang kahit na ang paid-up capital lamang ay P62,500.