MANILA, Philippines - Nasa hot water ngaÂyon ang isang heneral ng Philippine Army matapos nitong gawing libreng mga trabahador (construction men) sa kaniyang ipinatatayong 3 storey mansion ang mga sundalo sa isang military housing sa Taguig City.
Kinilala ang inireÂreklamong opisyal na si Brig. Gen. Dante Costes, kasalukuyang hepe ng Communications Electronics Information System Service ng Armed Forces of the Philippines (CEISSAFP) sa Camp Aguinaldo kung saan binatikos ito sa umano’y ‘corrupt practices’.
Si Costes, miyembro ng Philippine Army ay produkto ng Philippine Military Academy Class 1980.
Sa letter-complaint, inakusahan si Costes ng paggamit sa 20-30 sundalo na ginawa umano nitong trabahador sa 3 storey mansion nito sa loob ng AFP Officers Village Association Inc. sa Taguig City.
Sinasabing nagtitipid umano sa gastusin ang heneral kaya’t mga sundalo ang “inarkilang†trabahador.
“Sir, is it right that the work of the soldiers is sacrifice just to prioritize the personal welfare of General Costes in building his own house?â€, ayon sa reklamo.
Sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala na nakarating na kay AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ang insidente at kasalukuyan na itong iniimbestigahan.