Fare discount kahit Sabado at Linggo, isinulong

MANILA, Philippines - Maaari na rin mabigyan ng diskwento sa pasahe ang mga estudyante kahit na Sabado at Linggo maging mga holidays.

Ito ay sa sandaling maipasa ang House bill 1096 na inihain ni Bulacan Rep. Ma. Victoria Sy-Alvarado na naglalayong gawing buong taon ang ibinibigay na fare discount sa mga estudyante.

Ayon kay Sy-Alvarado, ang pagbibigay ng  20% student fare discounts ay nakapaloob sa memorandum circular ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ibinibigay tuwing may pasok sa eskuwela.

Ayon sa  mambabatas na dapat magkaroon ng batas para gawing legal ang pagbibigay diskuwento sa pasahe sa bus, jeep o tricycle, barko at eroplano.

Sakop din ng panukala ang mga medical interns at sumasailalim sa military trainings at specialized studies na kailangang mag-report kahit walang pasok.

 

Show comments