Akusasyon sa ‘pork’ pinabulaanan: Sen. Bong: ‘Ginigiba Ako’
MANILA, Philippines - “Ginigiba ako, hindi totoo ang mga akusasyon nila.â€
Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. matapos makasama ang pangalan sa mga mambabatas na umano’y nagamit ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa ilang pekeng Non Government Organizations (NGOs).
Hinala ni Revilla may halong pulitika ang nasabing isyu matapos mapaulat na may mga nagtutulak sa kanyang tumakbong presidente sa 2016. Hindi na rin umano siya nasorpresa sa panggigiba na ginagawa sa kanya sa ngalan ng pulitika.
“Noong nakaraang eleksyon nga ay sinugod at pinalibutan ng mahigit 120 armadong tauhan ng mga kalaban ko sa pulitika sa Cavite na kaalyado ng administrasyon ang bahay ko at nilagay pa sa panganib ang aking buhay at ng aking pamilya. Sa pamamagitan ng pananakot, pilit nilang pasukin ang bahay ko, kahit wala silang dalang search warrant,†sabi ni Revilla.
Dahil nabigo umano noon ang mga nanggigipit sa kanya, kaya naghahanap ngayon ng ibang paraan para sirain ang senador.
Nakakagulat din umano na ang isang alegasyon pa lamang tungkol sa PDAF ay parang ginagawa ng totoo sa mata ng publiko.
Tinawag pa ni Revilla na isang demolition job ang ginagawa ngayong pagkaladkad sa kanyang pangalan. Sinuportahan din ng senador ang ginagawang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.
- Latest