MILF payag sa ‘wealth sharing’
MANILA, Philippines - Pumayag na ang gobÂyerno na pagbigyan ang demand ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makakuha nang mas malaking parte sa pinag-uusapang “wealth sharing†sa bubuing Bangsamoro political entity sa Mindanao.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, ikinatuwa ni Pangulong Aquino ang positibong pagtanggap ng MILF sa kasunduan at nilagdaan na ang annex sa wealth-sharing agreement sa Kuala Lumpur.
Ayon naman kay GRP panel head Miriam Coronel-Ferrer, pumayag umano sila sa kagustuhan ng MILF na 75 percent ng buwis na makokolekta sa mga saklaw na lugar ay mapupunta sa BangsaÂmoro habang 25 percent lamang ang bahagi ng national goverment.
Maging sa mga buwis at kita na makukuha sa mga natural resources katulad ng metallic mineÂrals, malaking bahagi rin nito ay mapupunta sa Bangsamoro.
Gayunman, nagkasundo aniya ang dalawang panig sa “equal sharing†pagdating sa energy resources.
Una nang naantala ang paglagda ng government peace at MILF panel sa wealth sharing annexes matapos manindigan ang MILF sa 75-25 sharing scheme.
Samantala, bagama’t naresolba na ng gobyerno at MILF ang isa sa pinakamabigat na usapin sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement, aminado si Ferrer na mahabang panahon at debate pa ang kailangan para tuluyang mapagtibay ang kasunduan.
Sabi ni Ferrer, kabilang pa sa pinagsusumikapan nilang maresolba ay ang usapin sa power-sharing at normalization.
Nakatakda umano silang muling mag-uusap sa susunod na buwan pagkatapos ng Ramadan.
- Latest