MANILA, Philippines - Ipinauubaya na lamang ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso ang desisyon kung ipagpapaliban o itutuloy ang pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 29.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, hiniling na rin niya kay Pangulong Aquino na sertipikahan bilang urgent bill ang pagdetermina kung dapat na ituloy o ipagpaÂliban muna ang halalan.
Paliwanag ni Brillantes, kailangan na nilang malaman sa pagbubukas pa lamang ng Kongreso ang desisyon upang makapaghanda sakaling isabay ang SK sa barangay elections.
Giit ni Brillantes, hindi na maaari pang ipagpaÂliban ang SK elections sakaling naka-full blast na ang kanilang paghahanda para sa nasabing halalan.
Matatandaang bagaÂma’t pabor ang Comelec na ipagbaliban ang SK elections hindi naman ito nagpalabas ng resolusyon na pinaniniwalaang daan upang mabuwag ang SK.