^

Bansa

Pagpapaliban sa SK polls nasa Kongreso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinauubaya na lamang ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso ang desisyon kung ipagpapaliban o itutuloy ang pagsasagawa ng Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 29.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, hiniling na rin niya kay Pangulong Aquino na sertipikahan bilang urgent bill ang pagdetermina kung dapat na ituloy o ipagpa­liban muna ang halalan.

Paliwanag ni Brillantes, kailangan na nilang malaman sa pagbubukas pa lamang ng  Kongreso ang desisyon upang makapaghanda sakaling isabay ang SK sa barangay elections.

Giit ni Brillantes, hindi na maaari pang ipagpa­liban ang SK elections sakaling naka-full blast na ang kanilang paghahanda para sa nasabing halalan.

Matatandaang baga­ma’t pabor ang Comelec na ipagbaliban ang SK elections hindi naman  ito nagpalabas ng resolusyon na pinaniniwalaang daan upang mabuwag ang SK.

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GIIT

IPINAUUBAYA

KONGRESO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with