4-day work, hindi makabubuti- Obispo
MANILA, Philippines - Naniniwala ang daÂting pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Jaro Archbishop Angel Lagdameo, na hindi maÂkabubuti ang panukalang apat-na-araw na trabaho sa loob ng isang linggo o 4-day work a week, sa hanay ng mga kawani ng gobyerno at maging sa pribadong sector.
Ayon kay Lagdameo, posible umanong mas makasama pa ang nasabing panukala lalo pa at maraming pamilya ang nangangailangang magtrabaho araw-araw upang mabuhay ang kanilang pamilya.
Sa panig naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, na ang implementasyon ng naturang polisiya ay masama sa ekonomiya, hindi rin malulutas ang problema sa trapiko at sa halip ay mababawasan pa ang productivity ng bansa.
Matatandaang sinabi ni election lawyer Romulo Macalintal ang pagkakaroon ng four-day work week upang mabawasan umano ang traffic congestion sa Metro Manila.
Hindi naman komporme kay Macalintal ang Malacañang dahil maaari pa umanong maapektuhan ang employment at economic growth ng bansa.
Habang sa kongreso, ay inihain na rin ang House Bill No. 1278 na tatawaging “Four-Day Work Week Act of 2013†ni Quezon City Rep. WinsÂton Castelo.
Sa ilalim ng panukala, gagawin na lamang 10 oras ang trabaho kada araw, apat na araw sa loob ng isang linggo o 10/4 sa gobyerno at pribadong sektor.
- Latest