MANILA, Philippines - Nasa balag ngayon ng kontrobersiya ang isa sa mga mahistrado ng Korte Suprema makaraang lantarang akusahan ni Marinduque Rep. Regina Reyes si Associate Justice Presbitero Velasco ng paggamit umano sa kanyang pwesto para maimpluwensyahan ang SC sa naging pasya nito hinggil sa election case ni Reyes.
Sa isang pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila, tahasang nanawagan si Reyes kay Velasco na itigil ang paggamit sa kanyang pwesto para mapaburan ng hukuman ang kanyang anak na si dating Congressman Lord Allan Velasco at naÂging mahigpit na katunggali sa eleksyon ni Reyes.
Kumbinsido si Reyes, batay na rin sa dissenting opinion ni Justice Arturo Brion, na minadali ang pagpapasya sa kanyang kaso dahil hindi man lang hiningan muna ng komento ang mga kampong sangkot sa kaso bago nagpasya sa isyu.
Hindi umano siya naÂbigyan ng patas na pagtrato mula pa lamang sa Comelec hanggang sa Korte Suprema dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon na mapatunayan na siya ay isang Pilipino.
Sa halip ay mas binigyan pa raw ng bigat ng CÂomelec at hukuman ang nilathala ng isang blogger na nagsasabing siya raw ay isang American Citizen, gaÂyong siya ay isinilang sa Pilipinas, may mga magulang na parehong Pilipino at mayroon din siyang affidavit of renunciation of foreign citizenship dahil siya ay naging American citizen nang siya ay maikasal.
Dagdag pa ni Reyes, hindi rin ipinatawag ng CoÂmelec ang mismong blogger para personal na patunayan ang kanyang paratang.
Plano ni Reyes na maghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema para hilinging mabaligtad ang kanyang disqualification bagamat naniniwala siya na ang dapat nang humawak ng kanyang kaso ay ang House of Representatives Electoral Tribunal dahil siya ay naiproklama na.