MANILA, Philippines - Pito pang lokal na dayalekto ang idinagdag ng Department of Education (DepEd) sa “mother-tounge-based mutli-lingual education (MTB-MLE) program at gagamitin sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral sa mga rehiyon.
Nadagdag ang mga bagong dayalekto sa 12 orihinal na lengguwahe. Ang mga ito ay ang Ybanag para sa mga pupil sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan sa Batanes Group; Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan at Capiz; Kinaray-a sa Capiz at Aklan; Yakan sa ARMM at Surigaonon sa Surigao City at mga lalawigan ng Surigao.
Ipinapatupad ang MTB-MLE o ang paggamit ng mga nakamulatang mga lengguwage sa pagtuturo sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 upang mas agad na maintindihan ng mga pupils ang mga aralin.
Sa mga pag-aaral, ang paggamit umano ng “mother tounge†na lengguwahe sa unang mga taon ng pag-aaral ay higit na nakakalikha ng mga matatalinong mag-aaral na madaling matuto rin ng ibang wika tulad ng Filipino at English.
Ang iba pa at naunang mga dayalekto sa ilalim ng MTB-MLE ay ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano. (Danilo Garcia/Mer Layson)