MANILA, Philippines - Tatlong Pilipinong nurse na dinukot sa Libya ang nakaligtas sa kamay ng kanilang mga abductors matapos na isa sa kanila ang makatakas at nakahingi ng tulong sa mga awtoridad.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, naganap ang pagkidnap sa isang babae at dalawang lalaking nurse dakong alas-9 ng gabi noong HulÂyo 8 sa lungsod ng Sebha sa Libya.
Tinangay at dinala umano ang tatlo ng isang lalaking Libyan sa isang isolated area sa Sebha. Bandang alas-10 ng gabi, isa sa mga biktima ang nakatakas at humingi ng tulong sa pamilyang LibÂyan na siyang tumawag ng assistance sa mga pulis.
Sa ginawang rescue operations, dakong alas-11:15 ng gabi ay natunton ang kinaroroonan ng dalawang naiwang nurse at nasagip.
Ang mga Pinoy nurses na umano’y nanginginig pa nang matagpuan ay dinala na sa istasyon ng pulisya para sa debrieÂfing.
Nasaksihan umano ng isang Libyan taxi driver na karaniwang sinasakÂyan ng mga nurses ang nasabing pagdukot sa tatlo na siyang nagsabi sa kanilang mga kasamahan sa ospital at agad namang itinawag kay Phl Ambassador to Tripoli Oscar Orcine ng Embahada.
Idudulog ni Orcine sa Ministry of Foreign Affairs ng Libya ang pagdukot sa tatlong OFWs upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng iba pang manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.
Nasa maayos na umanong kalagayan ang tatlo na tutungo sa Tripoli upang makapagpahinga at makarekober sa inabot na trauma.