MANILA, Philippines - Ipinagyabang kahaÂpon ni Pangulong Benigno Aquino III ang maÂgandang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanyang liderato kung saan ay nakapagtala ito ng 7.8 percent economic growth at ang inaasaÂhang pagdagsa ng tuÂrista mula sa Europe.
Ginawa ni Pangulong Aquino ang pahayag na ito sa harap ng bumibisitang 8th ambassadors, consul-general at tourism director’s tour deleÂgate sa Malacañang.
Sinabi pa ng Pangulo sa mga delegado, kulang man siya sa tulog dahil sa mahabang pulong nito kamakalawa sa pagtalakay sa proposed 2014 budget gayundin ang pagbusisi sa bawat item nito bago isumite sa Kongreso sa mismong ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nito sa joint session ng Kamara at Senado sa July 22, ay malugod niyang tinatanggap ang mga delegado sa pagbisita sa Pilipinas.
Winika pa ng PaÂngulo sa mga delegado, maraming tourism destination ang Pilipinas na dapat bisitahin ng mga turista matapos na kilaÂlanin sa 2013 report ng World Economic Forum Travel and Tourism Competitiveness Index na number 1 ang Pilipinas sa tamang paggastos sa larangan ng turismo.
“We identified tourism as a low-lying fruit that needed to be picked; from day one, we have worked to grow tourism in the Philippines to the industry that it could become,†dagdag pa ni PNoy.
Ikinatuwa din ng chief executive ang pagpayag ng European Union (EU) na muling makalipad sa Europe ang Philippine Air Lines matapos nilang alisin ang ban dito.
Hinamon din ng PaÂngulo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsumikap upang maalis sa category 2 ng Federal Aviation Authority (FAA) ng Estados Unidos.
“I am pleased to announce that they have made stunning progress. It began back in March with the International Civil Aviation Organization lifting the Significant Safety Concerns that they had previously identified in our country. This led to the very good news we received just yesterday: that the Air Safety Committee of the European Commission has allowed our flag carrier—Philippine Airlines—to resume direct flights to Europe,†sabi pa ni Pangulong Aquino.